Plataporma ni Mayor Ramon “Mon-Mon” V. Guico III -At a Glance

“Tulad ng aking sinabi noong 2010 Election Forum na na-organize ng ating religious sector, kailangang bigyan pansin ang dalawang napaka-halagang bagay upang umarangkada ang ating bayan – PONDO at PUSO.

Kailangan nating lumikom ng mas marami pang pondo, na hindi lamang umaasa sa Internal Revenue Allocation o IRA mula sa National Government upang mas matugunan ang pangagailangan ng Binalonan. Magagawa ito na HINDI KAILANGANG ITAAS ANG BUWIS, bagkus sa pamamagitan ng pagpapalakas sa “economic enterprise projects” ng Munisipyo, pagpapalawig ng mas maraming negosyo sa bayan sa pamamagitan ng pagpasa ng isang “INVESTMENT CODE” at pagsasa-ayos ng mga “basic public utilities,” tulad ng kalsada, ilaw at drainage, internet at komunikasyon, at higit sa lahat sa kapamaraanang matuwid na liderato at pamunuan ng Munisipyo, na siyang nagiging pamantayan ng maka-Diyos na pamumuno ng Bayan ng Binalonan. Ito ang pusong serbisyo sa bayan ng Binalonan na napaka-unlad.”

What people say of Mayor Mon-Mon...